Huwebes, Oktubre 1, 2015
Harana
Nabanggit ko sa una kong blog ang "panghaharana." "Uso pa ba ang harana?" tanong ng isang kanta ng ating henerasyon. Oo nga naman, mayroon pa kayang mga kalalakihan na umaakyat ng ligaw sa pamamagitan nang panghaharana? Kung ako tatanungin, hindi na lahat ay ginagawa ito. Madalas sa panahon ngayon, "chat" na lang sapat na. Oh kaya naman sa mga text messages nagliligawan. Hindi ba't mas maganda pa rin na manligaw sa bahay ng babaeng iyong iniirog? Tulad nitong panghaharana, mas nakakapukaw pa rin ito sa puso ng ating mga kababaihan. Medyo luma man ang pamamaraan, kahit papaano naipapakita mo ang ating kultura. Pinapahalagahan mo ito tulad ng ginawa ng mga kabataan noon. Sa dinami-dami ng inibig ng ating pambansang bayani na si Pepe, marahil ang ilan dito ay kanyang hinarana. Wala ka man sa tono sa pagkanta, wala ka mang gitara, masarap pa rin haranahin ang babaeng ang alam mong patuloy na magpapatibok ng puso mo habambuhay. Hindi lang ikaw ang matutuwa dahil hinaharana mo ang mahal mo, kundi pati ang hinaharana mo matutuwa dahil sa boses mo. Gusto ko mangharana hindi lang sa panliligaw, kundi sa mga taong minamahal ko ng buong puso, ang tiyahin ko na nag-alaga sakin simula pagkabata, at ang nanay ko na nagpakahirap para lang mapag-aral ako. Masarap sa pakiramdam na inaalayan mo sila ng isang kanta upang sila ay mapasalamatan. Masarap din isipin na sa pamamagitan ng panghaharana, napapahalagahan ko ang kultura na pamana sakin ng aking mga ninuno.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento