Huwebes, Oktubre 1, 2015

Gitara

Ano nga ba ang hatid sa atin ng gitarang ito? Ang ilan ay gumagawa ng mga kanta upang aliwin ang sarili, ang iba naman ay para sa panghaharana, at ang pinakamadalas na gawin sa gitara ay gamitin sa pakikipagkantahan kasama ang tropa. Nakakaginhawa sa pakiramdam sa tuwing nakakarinig ako ng pagtugtog ng gitara. Marami nga naman kasing pwedeng gawin dito. Akala ko noong una ay madali lang ang paggigitara. Gusto kong matuto noon dahil sa tuwing nakikita ko ang aking mga kabanda na tumutugtog nito, parang wala lang sa kanila. Simple kumbaga. Pero mali pala, ang mga nakita ko sa kanila ay ang mga simple nga lang. Pero noong tumingin ako sa mga sikat na manunugtog ng gitara katulad nila Pepe Smith, Joey Ayala, at ng mga sikat pang gitarista ng panahon ngayon, eh kakarampot pa lang pala ang mga natutunan ko sa aking mga tropa. Masarap maggitara, ngunit hindi ito madali tulad ng iniisip ng iba. Maaaring matuto ang isang tao nito, pero hindi lahat mabibigyan ng oportunidad na gumaling sa pagtugtog nito. Sinubukan ko, pero isa nga ata ako sa mga taong hindi nabigyan ng galing sa pagtugtog nito. Nakakatawa mang isipin pero, kahit papaano sinubukan ko. Wala namang masama kung susubok lang ako ng susubok. Wala rin naman sigurong mawawala kung aaliwin ko ang sarili ko sa pamamagitan ng musika.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento